Kolesarski dresi
VP LENI ROBREDO NANANAWAGAN PARA SA ‘MASINSINANG IMBESTIGASYON’ KAUGNAY SA OZAMIZ RAID NA IKINAMATAY NI MAYOR PAROJINOG! | Latest Trending News
Local News & World News

VP LENI ROBREDO NANANAWAGAN PARA SA ‘MASINSINANG IMBESTIGASYON’ KAUGNAY SA OZAMIZ RAID NA IKINAMATAY NI MAYOR PAROJINOG!

Vice-President Leni Robredo speaks during press conference at the Office of the Vice-President in Quezon City, Decemebr 5, 2016, folowing her resignation as the government's Housing Czar. She said that she only hopes that the Duterte Administration will continue her projects. (Mark Balmores)

Nananawagan si Vice President Leni Robredo para sa isang “masinsinang imbestigasyon” sa nangyaring pagsalakay ng pulisya na ikinamatay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at ng labing-apat pa kasama ang kaniyang pamilya.

“Inaasahan natin na masusing imbestigasyon iyong gagawin. Hindi basta-basta iyong insidente na nangyari,” ito ang kaniyang sinabi ng siya ay makapanayam ng media sa Navotas City noong Miyerkules.

Dagdag pa niya, “Kailangang mapakita na iyong hustisya mase-serve. Gusto nating magtiwala sa mga institusyon ng pamahalaan na gagawin iyong imbestigasyong nararapat.”

Bagaman sinabi ni Robredo na ang nangyaring insidente ay magsisilbing babala sa mga public officials na sangkot sa droga, iginiit niya na kailangan pa rin isaalang-alang ang alituntunin ng batas.

“Iyong demokrasya natin, nakabase sa integrity ng institutions, kaya mahalaga iyong proseso na pagdaraanan, kasi ito iyong makakapag-determine kung kailangan ba tayong tumiwala.”, dagdag pa niya.

Bukod kay Parojinog, kasama sa mga napaslang sa isinagawang raid ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nakaraang linggo ay ang asawa nitong si Susan, Misamis Occidental Board member Octavio Parojinog Jr., at iba pang sibilyan.

Sinabi ng pulisya na pinaulanan sila ng bala ng mga tauhan ng pamilyang Parojinog kaya’t napilitan silang makipagpalitan ng putok.

Matatandaang kasama ang mga Parojinog sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga narcopoliticians na nag-ooperate sa Mindanao.

Loading...
Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close