Kolesarski dresi
SPOON FEED? PNOY, HUMINGI NG RESULTA SA DRUG WAR NI DUTERTE! | Latest Trending News
Local News & World News

SPOON FEED? PNOY, HUMINGI NG RESULTA SA DRUG WAR NI DUTERTE!

Naglabas ng galit ang Pangulong Duterte sa dating administrasyon kamakailan lang dahil sa pagsasabi nitong wala naman dawng nangyayaring progreso hinggil sa pagsugpo ng droga sa kasalukuyang administrasyon.

“That’s why I am mad at … That’s why I called the former President “gunggong”. That’s really who he is,” ani Pangulong Duterte. Sinagot din ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga maaanghang na sinabi ng Pangulo patungkol sa kanya.

“We should not be onion-skinned, of course I am not happy, but I hope he can look if what I said has basis”, ani PNoy.



“Maybe the anti-drug program will improve, it has been a year, there should be results by now,” dagdag pa ni Aquino. Iginiit naman ni Aquino na hanggang ngayon ay wala pang makitang resulta sa drug war ng kasalukuyang administrasyon. Ipinahayag niya ang pag-aalala tungkol sa paglulunsad ng mga pagpatay sa ilalim ng pangangasiwa ng Duterte administration, matapos na marinig ang kaso ni Kian delos Santos, 17 anyos na nasa grade 11 na pinaniniwalaang hindi makatarungan at makatao ang ginawang operasyon ng mga otoridad hinggil sa anti-drug operation.

“Of course it’s tragic, but the job of the lawmakers and the president is to conduct the proper investigation to know the truth behind what happened,”ani Aquino. Nagbigay naman ng payo si Aquino kay Duterte. Sinabi ng dating pangulo kay Duterte na manatili sa kung ano ang nakasaad sa Konstitusyon at ipaalam ito bilang gabay niya sa paglutas ng mga problema ng bansa.

Loading...
Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close